Tuesday, December 22, 2009

SO Night (Tarlac College of Agriculture)


Student Organization Night of Tarlac College of Agriculture was slated on the Evening of December 18 2009. Numerous students attend the said event and many contestants joined the SO Contest which made the SO Night more exciting and stimulating. The SO contests were as follows: Christmas Jingle, Battle of the Band and TCA Got Talent.
All the Institutes present their entry in Christmas Jingle and the contestant showcase their talents in singing and dancing. It’s very colorful and lively wherein many participants were prepared in their Christmas Jingle. Actually, I really like the performance of the Institute of Education even though I’m from the Institute of Engineering. I like the way they sing and dance, lalo na yong performance nang dalawang kasama namin sa SSC..hehe. The Night become more captivating when the Battle of the Band Started. Almost all contestants were good and zippy. They showed up what they’ve got. Na- realized ko, marami palang may talent sa TCA. Lalong-lalo na yong mga nag-perform sa TCA Got Talent. Nagising ang lahat sa pag perform ng tatlong GAYS dahil yong isa sa kanila ginaya si Many Pacquiao, Anabel Rama, Ruffa Mae Quinto at Aling Dionisia. Kuhang -kuha nga niya ang expressions ng mga artistang yon. Nakakatawa talaga sila, saying wala akong video recorder,upload ko sana sa YouTube.
I really enjoyed the SO Night and I think nag-enjoy then lahat ng pumunta. Siguro masasayangan yong mga hindi nanood na TCAian. Mas masaya ngayon compared sa nakaraang SO night. Actually, hindi pa tapos ang program eh umuwi na ako dahil aalis na yong sasakyan namin. Ayaw ko naman magpa iwan dahil wala na akong masasakyan. Hindi nga ako nakapagpaalam sa ibang mga kasama ko sa SSC lalo na kay President.
Malapit na pala akong mag-graduate at mami-miss ko ang mga ganitong okasyon. Hindi nga ako nakapunta sa Socialization Night namin kaya pinilit kong makapunta sa SO Night. Parang ayaw ko pang mag-graduate dahil gusto ko pang mag-aral and enjoy the life of a student. Syempre kapag graduate ka na panay trabaho na lang ang aatupagin mo. Totoo nga ang kasabihang may katapusan ang lahat ng bagay ditto sa mundo. I HOPE mas ma-enjoy ko pa ang life after I graduate.

Crush

Laging ikaw ang laman ng aking isipan
Araw-araw ikaw ang gustong pagmasdan
Darating sana ang araw na ako’y iyong pagbigyan
Yayakapin kita kapag iyon ay naisakatuparan.

Lahat ginagawa ko para ika’y mapasaya
Oras-oras mahalaga kapag ika’y kasama
Umaasa na pag-ibig ko’y madama
Regalo ko sayo’y pusong mamahalin ka.


Ganito talaga ako, sadyang mapagmahal
Iibigin ka hanggang walang hanggan
Ewan ko lang kong mapipigilan ako ng mga sagabal
Mamahalin parin kita ng walang pag-aalinlangan.

Ikaw ang mundo ko

Simula noong una kang nakita
Ang mundo ko’y biglang nag-iba
Oras-oras ikaw ang naaalala
Sa aking panaginip ikaw ang tunay na bida

Ikaw ang nagbigay ng Inspirasyon
Sa mundo kong puno ng disperasyon
Ikaw ang nagbigay sa akin ng ambisyon
Na makasama ka sa lahat ng okasyon

Kaylan kaya kita makakasama
Kaylan kaya tayo magiging dalawa
Ewan ko lang kung ako ba’y may pag-asa.
Sa isang katulad mong dalaga.

Sa tignin ko ikaw ang mundo ko
Dahil ikaw ang laman ng aking puso
Sana baling araw ako’y iyong maging mundo
Syempre, kapag nangyari iyon dalawa na tayo.

Isang Ngiti Mo lang

Isang ngiti mo lang ako’y sasaya na
Lahat ng aking problema’y biglang mawawala
Sa iyong ngiti, magiging makulay ang aking araw
Dahil malayo ka palang, ikaw ang siyang natatanaw.

Bakit kaya ganyan ang iyong ngiti
Kuhang-kuha mo ang aking kiliti
Isang ngiti na walang kapantay
Pati ang patay ay mabubuhay

Isang ngiti mo lang ako’y tatawa na
Dahil sa iyong ngipin na nag-iisa
Sana Dumami pa ang katulad mo
Para maging ‘happy’ ang mga nandito sa mundo.

Mahal kita ngunit may mahal ka na

Minsan sa mundo ko dumating ka sa akin
Binigyan mo ng ligaya ang aking damdamin
Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa aking buhay
Kaya sa lahat ng problema ako’y tumitibay

Kapag kausap ka, mundo ko’y sumasaya
Kapag ako’y nag-iisa, ikaw ang naaalala
Sana ito’y hindi na panaginip kundi totoo na.

Ngunit alam ko na may mahal kang iba
Kahit ako ay nasasaktan mahal parin kita
Hindi ko lang alam kong kaylan ito magtatagal
Dahil mahirap magmahal kapag may sagabal

Mahal kita ngunit may mahal ka na
Susuko na lang siguro ako at magpaparaya
Dahil alam ko na masaya ka sa kanya
Tama na sa akin na ikaw ay nakilala

Wednesday, December 16, 2009

MAGUINDANAO MASSACRE

I condemn those people who are responsible for the barbaric crime that brings huge sadness to the whole country. I'd like to express my rage to those people who knows that justice is in their own hands. I'd like them to suffer the agony that the victims of the massacre felt. I'd like them to see behind bars. I hope that the victims will rest in peace if all the suspects involve in the crime will be arrested. I hope that the freedom of the press will not be hinder. I hope that the family of the victims will have a brighter tomorrow eventhough they are facing these tribulation in their life. I know that God have a purpose. I know that HE will never abandoned us and i know that Justice will always prevail.

Wednesday, October 28, 2009

G-Force(TCA Cruel Love)

Our Short Movie entitled TCA Cruel Love is already uploaded in YouTube.com. The cast are Jomelyn Bantoc, Felix Ramiscal and yours truly. Ako yong kontrabida doon at aagawin ko si Jomelyn kay felix. Actually, may "powers" kami ni felix at sa kalagitnaan ng movie ay maghaharap kami.Panoorin niyo nalang para malaman niyo ang buong story. I edited the movie almost one week, yong mga sound effects and animation. Ipinapahiram naman ni felix yong lap top niya if i am in the school tapos if nasa bahay ako ginagamit ko naman yong PC ko.Project kasi naman ito sa multimedia kay sir Yasay. Simple lang yong mga effects kasi I have no time to make it perfect, one week lang yong preparation namin. Sana mapanood niyo itong short movie namin.I hope you will enjoy it.