Saturday, January 2, 2010

TCA CRUEL LOVE

Pasukan na naman at second year na si Deriryl Mayor na may kursong BS in Information Technology sa Tarlac College of Agriculture. Kinaumagahan, unang araw ng klase habang siya’y naglalakad sa boulevard patungo sa kanilang Institute ay bigla siyang napahinto dahil may kumausap sa kanyang hindi kilalang dalaga.
“Puwedi ko bang malaman kung saan yong Computer Laboratory, bago pa lang kasi ako rito eh.”
“M-malapit lang sa Institute of Engineering, If you want sabay nalang tayo, papunta rin ako doon..Ano nga pala pangalan mo?” sabi ni Deiryl na medyo nahihiya dahil ubod ng ganda ang kanyang kausap.
“Ako nga pala si Karen Racal”. Inabot niya ang kanyang kamay kay Deiryl at kinilig naman yong binata dahil first time ever niyang makipagkamayan sa ganito kagandang dilag. Patuloy lang sila sa paglalakad habang nagkwe-kwentuhan.
“May lagnat ka ba? Namumutla ang mukha mo eh.” Dugtong ni Karen dahil napansin niya ang maputlang kaanyuan ng mukha ni Deiryl.
“Ah..hindi.. normal na sa akin ito. Naaarawan kasi” ang palusot naman ni Deiryl na hindi maitago ang paghanga sa kausap.
` “Transferee ka ba dito, saang iskul ka galing?” sabi ni Deiryl na medyo pinapagpawisan na at dinukot ang panyo sa kanyang bulsa.
“Sa Tarlac State University, lumipat ako dahil malapit lang ang bahay namin, diyan lang sa Bonifacio Street. Ano nga pala ang pangalan mo.” tanong ni Karen.
“Just call me Dear in short for Deiryl Mayor, bakit ka nga pala pupunta sa Computer …Lab.? May klase ka ba doon?”
“You’re right, first subject ko, multi media and Web Design kay Professor Yasay”. Nagulat naman si Deiryl dahil classmate pala niya ang dalagitang ito.
“Huh?! What a coincidence! Eh, the same pala tayo ng destination! Ang pabiglang sabi ng binata na lubos ang kasiyahan, nakamayan na nga niya ang dalaga ay kamag-aral pa niya ito! Patuloy lang ang kanilang bolahan ah este kwentuhan hanggang nakarating na nga sila sa kanilang destinasyon (Comp lab). Nakasara pa lamang ito sapagkat maaga pa 7:00 AM. Palamang habang 8:00 AM naman ang kanilang klase. Naupo palang sila sa mga bench sa labas ng building. Napawi na ang hiya ni Deiryl sa dalaga dahil sa haba ng kwentuhan nila ay nagawa na niyang pakisamahan ng maayos ito.

(itutuloy….)

No comments:

Post a Comment