Tuesday, December 22, 2009

Crush

Laging ikaw ang laman ng aking isipan
Araw-araw ikaw ang gustong pagmasdan
Darating sana ang araw na ako’y iyong pagbigyan
Yayakapin kita kapag iyon ay naisakatuparan.

Lahat ginagawa ko para ika’y mapasaya
Oras-oras mahalaga kapag ika’y kasama
Umaasa na pag-ibig ko’y madama
Regalo ko sayo’y pusong mamahalin ka.


Ganito talaga ako, sadyang mapagmahal
Iibigin ka hanggang walang hanggan
Ewan ko lang kong mapipigilan ako ng mga sagabal
Mamahalin parin kita ng walang pag-aalinlangan.

No comments:

Post a Comment