Tuesday, December 22, 2009

Isang Ngiti Mo lang

Isang ngiti mo lang ako’y sasaya na
Lahat ng aking problema’y biglang mawawala
Sa iyong ngiti, magiging makulay ang aking araw
Dahil malayo ka palang, ikaw ang siyang natatanaw.

Bakit kaya ganyan ang iyong ngiti
Kuhang-kuha mo ang aking kiliti
Isang ngiti na walang kapantay
Pati ang patay ay mabubuhay

Isang ngiti mo lang ako’y tatawa na
Dahil sa iyong ngipin na nag-iisa
Sana Dumami pa ang katulad mo
Para maging ‘happy’ ang mga nandito sa mundo.

No comments:

Post a Comment