Tuesday, December 22, 2009

Ikaw ang mundo ko

Simula noong una kang nakita
Ang mundo ko’y biglang nag-iba
Oras-oras ikaw ang naaalala
Sa aking panaginip ikaw ang tunay na bida

Ikaw ang nagbigay ng Inspirasyon
Sa mundo kong puno ng disperasyon
Ikaw ang nagbigay sa akin ng ambisyon
Na makasama ka sa lahat ng okasyon

Kaylan kaya kita makakasama
Kaylan kaya tayo magiging dalawa
Ewan ko lang kung ako ba’y may pag-asa.
Sa isang katulad mong dalaga.

Sa tignin ko ikaw ang mundo ko
Dahil ikaw ang laman ng aking puso
Sana baling araw ako’y iyong maging mundo
Syempre, kapag nangyari iyon dalawa na tayo.

No comments:

Post a Comment