Tuesday, December 22, 2009

Mahal kita ngunit may mahal ka na

Minsan sa mundo ko dumating ka sa akin
Binigyan mo ng ligaya ang aking damdamin
Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa aking buhay
Kaya sa lahat ng problema ako’y tumitibay

Kapag kausap ka, mundo ko’y sumasaya
Kapag ako’y nag-iisa, ikaw ang naaalala
Sana ito’y hindi na panaginip kundi totoo na.

Ngunit alam ko na may mahal kang iba
Kahit ako ay nasasaktan mahal parin kita
Hindi ko lang alam kong kaylan ito magtatagal
Dahil mahirap magmahal kapag may sagabal

Mahal kita ngunit may mahal ka na
Susuko na lang siguro ako at magpaparaya
Dahil alam ko na masaya ka sa kanya
Tama na sa akin na ikaw ay nakilala

No comments:

Post a Comment